Kasabay Nating Umiikot ang Mundo
Tok, tok, tok
Ako ay kumakatok
Nasasaiyo ba ang hinahanap ko?
Tok, tok, tok
Ako ay kumakatok
Halika rito't may ibubulong ako
...
'Di mo narinig 'no?
Pero narinig mo nga ba ang tok, tok, tok?
Nakikinig ka pa ba?
Unti-unti nang natatapos ang palabas ko
Tumatanda na ang sirko
Nauubos ang dialogo
Ang iyong imahe'y patuloy na naglalaho
Kinusot ko'ng mata ko pero hindi
Hindi sila malabo
Tok, tok, tok
Patuloy ang pagkatok
Katok ng katok, katok ng katok
Nariyan kaya?
Baka naman wala
Nasaan kaya
Hindi naman kaya...
Ha, sige lang
Tuloy ang panaginip
Tuloy ang ilusyon
Hala tawa!
Tumawa tayo ng tumawa
Tawa! Sige! Tumawa ka!
Ano tapos ka na?
Eh bakit ka nga ba tumatawa?
Kumakatok ako 'di ba?
Sagutin mo'ng pinto!
Tawa ka ng tawa habang ako'y kumakatok!
Tawa ka ng tawa habang ako'y nagtatanong!
Ayaw bang papigil ng iyong imahinasyon?
Dumilat ka't burahin ang ilusyon
Ngayon, tingnan mo
Tingnan mo ang mata ko
Sila'y nagsasalita
Ano? Nababasa mo ba'ng mga sinasabi nila?
Natural hindi
Tok, tok, tok
Ako ay kumakatok
Tok, tok, tok
Pakinggan mong maigi ang katok!
Tok, tok, tok
Walang tigil na pagkatok
Tok, tok, tok, tok, tok, tok
grasseseatcows
10/15/2006 07:42:00 PM