Talambuhay ni Walang Ngalan
Nalilito nang 'di nag-iisip
Hirap huminga - dibdib ay masikip
Subukan mong hawakan ngunit ika'y takot
Subukan mong habulin, alam mo namang 'di ka aabot
Paano nga ba baybayin ang salita ng baga?
Ni hindi mo nga alam kung saan ito nagmumula
Ipikit ang iyong mata
Subukang gumuhit ng mukha
Putol-putol ang linya ng lapis mo
Subukan mong hawakan, biglang mawawala
Subukan mong habulin, nagbabakasakali, nag-aakala
Subukan mong ibuka ang iyong bibig at magsalita
Hangin ang ilalabas ng iyong bunganga
Mawala sa sarili
Maglasing nang mag-isa
Amuyin ang puno
Kumain ng dikya
Tumakbo nang malayo
Punasan ang pawis
Pagurin ang sarili
Patigilin ang isip
Huminga nang malalim
Huminga ng huminga ng huminga ng huminga
Hindi pa 'yan sapat
Sige huminga ka pa
Mawala sa sarili
Maglasing nang mag-isa
Amuyin ang puno
Kumain ng dikya
Tumakbo nang malayo
Punasan ang pawis
Tumakbo nang malayo
Punasan ang pawis!
Punasan ang pawis
Punasan ang pawis
PUNASAN-MO-ANG-IYONG-PAWIS
Pagurin ang sarili
Patigilin ang isip
Patigilin ang isip dahil hindi mo nga masasabi
At marahil kailanma'y hindi mo malalaman
Kapag tumayo ang lahat at sinabi ang kanilang pangalan
Kapag tumayo ang lahat at ipinakilala ang kanilang pangalan
Ika'y maiiwang tahimik dahil hindi mo nalalaman
Hindi mo nalalaman ang sarili mong pangalan
Ah...ah...
Wala
Wala kang pangalan
Hinga ka ng hinga, wala itong magagawa
Hinga ka ng hinga, ang patutunguhan nito'y wala
Wala, wala
Wala, wala, wala
Wala, wala
Wala, wala, wala
Wala, wala, wala, wala
Wala, wala, wala, wala, wala
Wala, wala
Wala, wala, wala
Wala, wala
Wala, wala, wala
Wala, wala, wala, wala
Wala, wala, wala, wala, wala
Ano ba 'yan...napapagod na 'ko kakasabi ng wala.
grasseseatcows
6/28/2006 11:29:00 PM
Poot
Lahat ng iyong salita'y hindi na naging tama
Lahat ng iyong pangungusap ay lagi na lang mali
Ang natatanging tenga ay ang sa salamin
Huminga ng malalim, huminga ng malalim
Walang magagawa ang paghinga ng malalim
Walang magagawa ang kahit ano
Ibaon ang sarili sa gitna ng hangin
Bumuntong hininga upang makawala sa kanyang pain
grasseseatcows
6/11/2006 11:22:00 AM