Ang Hinagpis ni Tao
Regalo mo'y di na kailangang alugin
Saya ang maramdaman nang matanggap
Salamat.
Ngunit ano ba ang Iyong inakala?
Na ako ay tulad Mo?
Ang dibdib ko ay gawa sa laman!
'Di tulad ng pader;
Matitibag sa martilyong kamao
Masusugat sa hiwa ng patalim
Magulang na nawalay sa anak
Lumuhod ka at umiyak
'Di ako maaawa
Pero ako ay humihingi ng paumanhin
Paumanhin at hindi ko maibigay ang Iyong hinihingi
Ngunit hindi ko sinasadya
Tandaan mo:
Hindi ko ito sinasadya.
grasseseatcows
3/09/2006 04:11:00 PM