Hapo
Sa iyong paningin, ako ay nanlulumo
Ngunit hindi mo naiiintindihan na ang katawan ko ay hapo sapagkat ito ay buhay
Ang balat ko ay mainit
Ngunit ang dugo nananalaytay sa aking ugat ay malamig
At tama ka, ang laman ko ay nangingilo
Manhid ang kamay, blanko ang pag-iisip
Walang pag-asang humihinga
Walang kabuhay-buhay na namamatay
Sa pagtapak ng aking talampakan sa buhangi'y
Binubura ng alon ang alaala nito
Sa paghila ng lubid
ay ang paghatak ng tubig
Lunurin mo ako
Sa ilusyon
Sa pangarap
Sa pag-ibig
Bulagin mo ako
Sa langit at impierno
Sa pag-asa ng panghabang buhay
Hindi mo ba makita?
Ako ay nanlulumo pagkat ang mundo ay hapo.
grasseseatcows
5/26/2005 10:02:00 AM