Bilog
Tingnan mo ako oh dakilang tao
Ikaw at ako, ako at ikaw
Pareho tayo
Ang pintig ng pulso ko'y tibok ng puso mo
Sa isang panghabang buhay na paglalakbay
Marami ka mang nalalaman ay wala kang naiintindihan
Dahil isang malaking bilog ang panghabangbuhay na paglalakbay
Wala kang naaalalaa 'pagkat hindi mo ako makilalaa
Ngunit ang tibok ng puso mo'y pintig ng pulso ko.
grasseseatcows
4/28/2005 11:51:00 AM