MGA SALITANG NAGMUMULA SA DILA: Ang Silbi Ng Funeraria
Bakit tayo kelangang mamatay tanong niya...
...Dahil tayo ay gawa sa lamang nabubulok sa haplos ng hanging madumi dulot ng polusyon
...Dahil ang buhay ay pintura sa bubong na binubura ng ulan sa pagdaan ng panahon
...Dahil ang mundo'y matigas na bigas na magiging malambot na kanin kapag nainin na ang sinaing
...Dahil ang baga'y puno ng usok galing sa sigarilyong nagngangalang kasalanan
...Dahil ang dalawang utong ay sadyang malayo sa gitna ng dibdib
...Dahil ang mukha'y tinitigyawat
...Dahil ang utak ay sayang bobo para sa kaalaman ng kaluluwa
...Dahil wala naman talagang ulap na nagsisilbing panakip sa kawalan
...Dahil ang Lupa'y uhaw sa dugo
...Dahil ang balat ay hamog sa gabi na nawawala sa punas ng minamahal mong ina
...Dahil kailangang umurong ng ating talampakan
...Dahil tayo'y may patutunguhan
...Dahil may Diyos na naghihintay
At ang Kanyang mga kamay ay sabik sa yakap ng tagumpay.
Amen.
grasseseatcows
1/31/2005 10:11:00 PM